OBSESSION (Byenan Part 15)

PES Certified Hit

Tinuldukan na ni Loida ang kanilang relasyon ni Simo. Nagsimula naman si Simo na seryosohin ang relasyon nya ng kanyang balae na kababalo pa lang...

..

Naka-alis na si Alfred at muli itong sumakay ng barko. Naiwan si Loida at ang kanyang ina sa bahay ng kanyang byenan. Ginugol ni Loida ang mga unang linggo na wala ang asawa, sa pag-aayos ng kwarto nila. Nagpalit siya ng mga kurtina at kubre-kama.

Pinilit nyang magpaka-abala para hindi nya ma miss si Alfred. Kapag nasa laot ito ay hindi nya ito maka-usap sa telepono. At naiibsan lamang ang pangungulila nya sa asawa kapag nagkaka-usap sila.

At pinipilit nyang iwasan si Simo. Ayaw nyang bigyan ng pagkakataon na magkasarilinan silang dalawa. Sumasabay lang siya sa kusina kapag nandoon din ang kanyang ina. At lagi siyang nagkukulong sa kanilang kwarto, kapag nasa bahay si Simo. Iniiwasan din nya na maglagi sa sala kapag nandoon ito.

 

Subalit hindi naman talagang maiiwasan na hindi mangyaring magsolo silang dalawa sa bahay. At nangyari iyon ng lumuwas si Mercy para kunin na ang mga gamit nito sa inuupahang bahay sa Maynila. Ipinasiya nitong dito na rin sa Bataan manirahan. May tiningnan na itong isang bahay at lote na ipinagbibili malapit sa kanilang tirahan. Binabalak nitong bilhin na ang lote.

Nag-iisa si Loida ng dumating s...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow