Ang Pagkikita [ XXXXX-5 Entz ] 5/7

Hindi ko agad nakilala. Ang gandang babae. Nakapustura. Nakakolorete. Kagalang-galang. Ilang segundo bago ko napagtanto, si Jerry pala. "Ah, sorry hindi kita agad nakilala. Mas gumanda ka na kase." "Tito Entz kahit wag nyo na akong bolahin. Ok na ako sa maganda lang. Yung mas gumanda over na yun."

..

Ang Pagkikita


XXXXX-5 of 7

6 years later

Entz


Halos anim na taon ang lumipas, habang namimili ako sa isang department store, may tumawag sa akin.

"Tito Entz! Tito Entz nga! Kumusta po?"

Hindi ko agad nakilala. Ang gandang babae. Nakapustura. Nakakolorete. Kagalang-galang. Ilang segundo bago ko napagtanto, si Jerry pala.

"Ah, sorry hindi kita agad nakilala. Mas gumanda ka na kase."

"Tito Entz kahit wag nyo na akong bolahin. Ok na ako sa maganda lang. Yung mas gumanda over na yun."

"Kumusta? Saan ka nagta-trabaho?"

"Pharmacist ako sa isang pharmaceutical company. Halika, iti-treat kita. Kung di sa mga itinuro mo wala ako sa trabahong ito ngayon."

Kumain kami sa isang sikat na restaurant. Nagkakwentuhan.

"So, anong ginagawa mo dito sa Maynila?"

"Umatend ako ng hearing. May kinasuhan yung aming company. Kailangan ang opinion ng company pharmacist. Pagdating ko sa court deferred yung hearing for another day. May emergency yung judge. Eh, sayang naman kung uuwi lang ako. Naisip ko mag-mall."

"Eh, ikaw? Bakit ka nag-mall di naman kita tinawagan?"

"Ha-ha! Parang mag-syota lang! Naisipan ko bumili ng belt. Lumang-luma na ang belt ko. Teka, may-asawa ka na ba?"

"Single na single pa ako. Ayoko pang mag-asawa. Di ako mag-aasawa forever."

"Ha!? Bakit naman? Anong dahilan? Hmm. Di ka na galit sa akin?"

"Ano? Di naman ako galit sa 'yo."

"Ha, salamat naman. Buong akala ko ay galit ka sa akin. Pero, bakit biglang kang umalis noon? Natakot ka ba?"

"Ah, uhm... Parang ganun. Parang natakot ako. Iba pala kapag nakakita ng ga...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow